Ikaw ang lagi kong kausap
Ikaw ang laging tinatawag
Gabay ka ng bawat pangarap
Lakas ng bawat pagsisikap
Ikaw ang tunay na kaibigan
Ginto ang puso't kalooban
Ngunit hindi lahat ay may alam
Na Kristo ang iyong pangalan
Kristo, Kristo
Bakit minsan ka lang nakikilala?
Kapag nakadama ng dusa't pangamba
Tinatawagan kang sana'y maawa na
Kristo, Kristo
Kulang pa ba ang pag-ibig na dulot mo?
Bakit ba ang mundo ngayo'y gulong-gulo
Anong dapat gawin?
Kami'y tulungan mo
O, Kristo
Ikaw ang tunay na kaibigan
Ginto ang puso't kalooban
Ngunit hindi lahat ay may alam
Na Kristo ang iyong pangalan
Kristo, Kristo
Bakit minsan ka lang nakikilala?
Kapag nakadama ng dusa't pangamba
Tinatawagan kang sana'y maawa na
Kristo, Kristo
Kulang pa ba ang pag-ibig na dulot mo?
Bakit ba ang mundo ngayo'y gulong-gulo
Anong dapat gawin?
Kami'y tulungan mo
O, Kristo (Kristo)
Kristo, (Kristo)
Kristo ng buhay ko