Pagputi ng uwak
Pag-itim ng tagak
Hanggang do'n lang tatagal
Ang aking pagmamahal
Kapag ang araw ay
Sinlamig na ng bangkay
Bawat bituing nagniningning
Ay 'di na rin nagtagal
Kulang ang panahon
Ang kailanman ay kulang din
Upang hanggang doon
Ay ibigin ka't sambahin
Mahal mo ako
Pag-ibig ko'y sa 'yo
Panahon ay 'di tiyak
Puputi rin ang uwak
Kulang ang panahon
Ang kailanman ay kulang din
Upang hanggang doon
Ay ibigin ka't sambahin
Pagputi ng uwak
Pag-itim ng tagak
Hanggang do'n lang tatagal
Ang aking pagmamahal