LAHAT
Ang nalalabing buhay dito sa daigdig
Ang siyang magpapatunay sa iyong maririnig
At ang tanging dalangin sana'y laging tapat
Anumang maging akin, yan ay iyong lahat
Lahat ng paano, lahat ng saan
Lahat ng gaano at ng kailan
Ang bawat bakit may pagkukulang
Ulan at init ma'y di hadlang
Sa pag-aalinlangan at pagiging tiyak
Sa pangangailangan at biyayang sapat
Pagbabakasakali minsa'y mabibigo
Ngunit mananatili, pagsinta'y lalago
Sa karamdaman at sa lakas
Hanggang sa paghinga'y magwawakas
Walang patakaran ang aking pagtanggap
Iniibig kitang ikaw lahat
TUDO
A vida que resta aqui neste mundo
É o que vai provar tudo que você vai ouvir
E a única oração é que sempre seja fiel
Qualquer coisa que seja minha, isso é tudo seu
Tudo como, tudo onde
Tudo quanto e quando
Cada porquê tem sua falta
Chuva e calor não são empecilho
Na dúvida e na certeza
Na necessidade e na bênção suficiente
Às vezes arriscando, posso falhar
Mas vou ficar, o amor vai crescer
Na doença e na força
Até que a respiração chegue ao fim
Não há regras para o meu aceitar
Eu te amo, você é tudo.