395px

Flor De Liza

Kuh Ledesma

Flor De Liza, sa 'yong isip na kamusmusan ngayon
'Di mo mauunawaan ang gulo ng panahon
Minsan nga sa aking sarili nasasabi ko ito
Buti pa ang mga bata at malayo sa tukso

Langit sa 'kin, Flor De Liza, ang masdan kang may ngiti
'Di sa 'yo at sa 'kin lamang ang paglugha't paghikbi
Sana'y ipagpaubaya na sa 'yong munting mundo
Kung kalungkuta'y dadalaw, ito ay akuhin ko

Tuwina ang sikat ng umaga
Ang simoy ng pag-asa
Ay sa inyo laan sa kabataan
Flor De Liza, ang sikat ng umaga
Ang simoy ng pag-asa
Sa tulad mo laan

Flor De Liza, ang biyaya sa inyo'y naghihintay
Dahil ang muhi sa kapwa sa puso niyo'y 'di taglay
'Di kayo mapang-api at hindi rin mapagdamot
Ang halos lahat sa amin kabutiha'y nalimot

Kung maibabalik ko lamang ang kamay ng orasan
Makapagpaanod tungo sa aking kamusmusan
Gagawin ko, Flor De Liza, upang makatulad mo
Na wala pang kamalayan sa sama nitong mundo

Tuwina ang sikat ng umaga
Ang simoy ng pag-asa
Ay sa inyo laan sa kabataan
Flor De Liza, ang sikat ng umaga
Ang simoy ng pag-asa
Sa tulad mo laan, o Flor De Liza
Flor De Liza, ang sikat ng umaga
Ang simoy ng pag-asa
Sa tulad mo laan, o Flor De Liza
Flor De Liza, la-la-la-la-la-la-la-la-la-la

Composição: George Canseco