395px

Hamon Ng Damdamin

Kuh Ledesma

Akala ko'y nalimot na kita
Bakit sambit ng puso ko'y ikaw pa rin, sinta?
Gulong-gulo ang buhay kong ito
Sa hamon ng damdamin at ako'y litung-lito

Bakit ang puso kong ito naghahanap pa rin sa 'yo?
Nasaktan na'y sigaw pa ri'y pangalan mo
Ang paghihirap kong ito, o, langit din para sa 'yo
'Di bale nang ako'y masiphayo

Batid mo rin ako'y nasasaktan
Kapag naaalala ang matamis na nagdaan
Ngunit ngayon, ikaw ay nasaan?
Pawang mga pasakit ang sa 'kin ay naiwan

Composição: Ramón García, Luigi Matriano