395px

Laruan

Kuh Ledesma

'Di laruan itong pag-ibig
'Di laruan ang magmahal
Dahil ang gawang umibig
Ay isang damdaming banal

Laruan ba itong pag-ibig
Para sa dalawang puso?
Kung kailan nawalan ng init
Saka itinapon, wari'y napaso

Bakit ganito ang iginanti
Sa pag-ibig kong lagi nang tapat?
Laruan ba ito? Ba't iyong inapi
Matapos kunin lahat?

Kung sa 'yo ay laruan lamang
Ang ika'y mahaling tunay
Sa ganitong laro, wala akong tapang
Dahil ang pag-ibig sa 'kin ay buhay

Bakit ganito ang iginanti
Sa pag-ibig kong lagi nang tapat
Laruan ba ito? Ba't iyong inapi
Matapos kunin lahat?

'Di laruan itong pag-ibig
'Di laruan ang magmahal
Dahil ang gawang umibig
Ay isang damdaming banal

Composição: George Canseco