Pag ba ako'ng naunang maglahad ng palad
At lumapit nang marahan, magtataka ka ba?
'Di man ako halata, nagtitimping mag-isa
Dinadaan na lang sa tula tanong sa tadhana
Ooh, walang malisya para sa 'yo
Sa akin mayro'n, kaya pasensiya na
Kung puwede lang namang maibalik
Sa dati ang lahat, pero hindi
'Yong walang ilangan, puwede kang batukan
Na para bang, para bang (kaibigan)
Baka nga wala namang mali
Kung mag-iba man ang aking tingin
Nagpapakiramdaman, sana'y mapanindigan
Ah, ah, ah
Na para bang, para bang
Ba't ba ako'y alipin ng kung anuman ang sasabihin nila?
Nagkakaintindihan naman tayong dalawa
'Di mawari kung pa'no nga ba 'to, magpapatuloy ba o hihinto?
Eh, baka naman kasi lahat ay biglang magbago
Ooh, walang malisya (walang malisya) para sa 'yo
Sa akin mayro'n na
Kung puwede lang namang maibalik
Sa dati ang lahat, pero hindi
'Yong walang ilangan, puwede kang batukan
Na para bang, para bang (kaibigan)
Baka nga wala namang mali
Kung mag-iba man ang aking tingin
Nagpapakiramdaman, sana'y mapanindigan
Ah, ah, ah
Na para bang, para bang
Ah, ah, ah
Na para bang, para bang
Sabi sa sarili ko, Wala lang 'to
Pero ba't sa 'yo na'ng aking Sabado?
Ang sabi sa sarili ko, Wala lang 'to
Wala lang 'to, wala lang 'to
Sabi sa sarili ko, Wala lang 'to
Pero ba't sa 'yo na'ng aking Sabado?
Ang sabi sa sarili ko, Wala lang 'to
Wala lang 'to, wala lang 'to
Walang malisya para sa 'yo
Sa akin mayro'n, kaya pasensiya na
Kung puwede lang namang maibalik
Sa dati ang lahat, pero hindi
'Yong walang ilangan, puwede kang batukan
Na para bang, para bang (kaibigan)
Baka nga wala namang mali
Kung mag-iba man ang aking tingin
Nagpapakiramdaman, sana'y mapanindigan
Sabi sa sarili ko, Wala lang 'to (ah)
Pero ba't sa 'yo na'ng aking Sabado? (Ah)
Ang sabi sa sarili ko, Wala lang 'to (ah)
Wala lang 'to, wala lang 'to (na para bang, para bang)
Sabi sa sarili ko, Wala lang 'to (ah)
Pero ba't sa 'yo na'ng aking Sabado? (Ah)
Ang sabi sa sarili ko, Wala lang 'to (ah)
Na para bang, para bang