395px

Kailangan Makilala Mo Ako

Rey Valera

Lahat ng ganda at mga kabutihan ko lang
Ang iyong nakikita at siyang laging namamasdan
Ngunit ito ay 'di lahat-lahat
Tunay na ako ay 'di mo alam

Oh, kung ako'y iibigin mo
Sana ay tanggapin na ako'y may kahinaan din
At may karupukan

Nangangamba man
Ay minarapat na ito ay malaman mo
Kung ako ay nararapat sa pag-ibig mo

Oh, kailangang makilala mo ako
Ang aking buhay ay ilalahad sa 'yo
Kung ang pagsasama'y magiging habang buhay
Sana ngayon pa lang, makilala mo ako

Nangangamba man
Ay minarapat na ito ay malaman mo
Kung ako ay nararapat sa pag-ibig mo

Oh, kailangang makilala mo ako
Ang aking buhay ay ilalahad sa 'yo
Kung ang pagsasama'y magiging habang buhay
Sana ngayon pa lang, makilala mo ako, oh-oh

Composição: Rey Valera