395px

Kahit Konting Pagtingin / Kumusta Ka

Sharon Cuneta

Kahit konting liwanag ng pag-ibig
Ang igawad sa pusong may ligalig
Ang pag-asa'y aking nakikita
At ang ligaya'y nadarama

Kahit konting liwanag ng pag-ibig
Ang sa akin ay ipahiwatig
O, giliw ko, kay ganda ng langit
At ang awit kung dinggin ay kay tamis

Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa 'yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Kumusta ka?
Ikaw ay walang pinag-iba
Ganyan ka rin nang tayo ay huling magkita
Tandang-tanda ko pa habang ako'y papalayo
Tinitingnan kita hanggang wala ka na

Kumusta ka?
May ibang kislap ang 'yong mata
Halata na ang daigdig mo ngayon ay kay saya
Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo
Siya ba'y katulad ko no'ng tayong dalawa?

O, kay tagal na ako'y nag-isip at naghintay
(Kahit konting pagtingin)
Makita ka, mayakap, at muli pang mahagkan
(Kung manggagaling sa 'yo)
Ngunit ngayong nangyari na, ako ay nauutal
(Ay labis ko nang ligaya)
Walang masabi kundi: Kumusta ka?
(Dahil sa ikaw ay mahal ko)

Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa 'yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko
Kahit konting pagtingin
Kung manggagaling sa 'yo
Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Ay labis ko nang ligaya
Dahil sa ikaw ay mahal ko

Composição: Willy Cruz, Baby Gil, Levi Celerio