Sana ay huwag mo nang ilihim
Kung ano ang iyong damdamin
Sa akin ay iyong sabihin
Ang damdamin, 'wag nang ilihim
Alam ko na
Ang 'yong lihim sa akin
'Di mo alam
Ako ay may lihim din
Damdamin ko ay sumisigla
Kung sa tuwina ay kasama ka
Ngunit pag 'di kita makita
Ang dibdib ko ay kumakaba
Ang pagmamahalan
Na ating nilihim, ha, ha
Huwag ikubli
'Wag nang ipaglihim
Sana ay huwag mo nang ilihim
Kung ano ang iyong damdamin
Sa akin ay iyong sabihin
Ang damdamin, 'wag nang ilihim