395px

Masdan, Tingnan Ang Buhay

Sharon Cuneta

Masdan mo ang tawa ng
Isang batang naglalaro sa ulan
'Di ba't nakakahawa ang kanyang tuwa, pati sigla
Tingnan mo ang mata ng
Isang dalagang natututong magmahal
Lipad ng ibon at patak ng pag-ulan, minamasdan

Kay rami-raming mga bagay sa buhay na ito
Na nagbibigay-awit at kulay sa mundo
Buksan ang bintana 'pag dumungaw sa kabuhayan

Pakinggan ang tinig ng
Mang-aawit sa una niyang pagtanghal
'Di ba't tila naririnig ang pagtibok ng puso niya
Pagmasdan ang luha ng
Isang lumpo na natututong tumayo
'Di ba't akala mo'y 'pagkailanman na siyang nakatayo

Kay rami-raming mga bagay sa buhay na ito
Na nagbibigay-awit at kulay sa mundo
Buksan ang bintana 'pag dumungaw sa kabuhayan

Pakinggan ang tangis ng
Isang sanggol na bagong silang sa mundo
'Di ba't ito ay tila awit ng buhay at kulay
Pati na rin pag-asa

Masdan
Tingnan
Ang buhay
Masdan, tingnan ang daigdig ng buhay mo
Masdan ang buhay

Composição: Ma. Isabella Mijares