Akala mo siguro 'di na tayo tatagal
Akala mo siguro'y 'di kita mahal
Hindi naman kita iniiwan
Kailangan ko'y panahon lamang
Patawad kung damdamin mo ngayo'y nasasaktan
Kung bakit ganito'y hindi ko din alam
Mabuti't ang pag-ibig mo'y tunay
Nakita ko no'ng ika'y naghintay
Kaya't mula ngayon, hindi ka na mag-iisa
At habang panahon asahan mong kapiling mo ako, sinta
Pangako kong ito'y hindi magbabago
Ang puso ko'y iyo mula ngayon
Siguro nga kailangan lang ako ay lumayo
Ayoko na'ng pag-ibig natin ay maglaho
Ang isip ko'y lito at 'di maintindihan
Mabuti na lang at ikaw ang nariyan
Kaya't mula ngayon hindi ka na mag-iisa
At habang panahon asahan mong kapiling mo ako, sinta
Pangako kong ito'y hindi magbabago
Ang puso ko'y iyo mula ngayon
Salamat sa pag-ibig mong tunay na kay tamis
At sa akin nga ikaw ay nagtiis
Ooh, ooh
Kaya't mula ngayon hindi ka na mag-iisa
At habang panahon asahan mong kapiling mo ako sinta
Pangako kong ito'y hindi magbabago
Ang puso ko'y iyo, buong pag-ibig ko
Ako'y iyong iyo mula ngayon
Ooh, ooh