395px

Sana Nandito Ka

Sheryn Regis

Kay tagal na nating magkasama
Bawat kilos ko’y alam mo na
Malayo man, dama kita
At lubos na minamahal

Ngunit bakit
Biglang nagbago ang lahat?
Kung kailan ako’y nasa tabi mo
'Di ko dama ang pag-ibig mo

Tanging hiling ko lang sa iyo
'Wag limutin ang pag-ibig ko
Na tuwina’y umaasa
Sana ay maisip mo
Dito sa puso kong ito
Ay ikaw at wala nang iba
Ang laging sinisigaw
Sana nandito ka sa piling ko

Ba't bigla nang naglaho?
'Di ko na madama ang pag-ibig mo'y nag-iiba na
Nawala na ba ang damdamin mo
Na dati para sa 'kin lamang?

Ngunit bakit
Biglang nagbago ang lahat?
Kung kailan ako'y nasa tabi mo
'Di ko dama ang pag-ibig mo

Tanging hiling ko lang sa iyo
'Wag limutin ang pag-ibig ko
Na tuwina’y umaasa
Sana ay maisip mo
Dito sa puso kong ito
Ay ikaw at wala nang iba
Ang laging sinisigaw
Sana nandito ka sa piling ko

Tanging hiling ko lang sa iyo
'Wag limutin ang pag-ibig ko
Na tuwina’y umaasa
Sana ay maisip mo
Dito sa puso kong ito
Ay ikaw at wala nang iba
Ang laging sinisigaw
Sana nandito ka sa piling ko

Sa piling ko

Composição: Sheryn Regis