395px

Sabihin Mo Na

Top Suzara

Gusto kong magpaliwanag sa'yo
Ngunit di kinakausap
Di inaasahang diringgin mo
Nakatingala sa ulap

Alam kong nasaktan nanaman kita
Ngunit di ko naman sinasadya
Hinding hindi na mauulit sinta
Sana'y maniwala ka

Sabihin mo na kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa'yo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad

Ulitin lng ung mga chord sa taas

Ilang araw mo nang di pinapansin
Ilang araw pa ang lilipas
Nakatanga sa harapan ng salamin
Naghihintay ng bawat bukas

Lahat naman tayo'y nagkakamali
Sinong di nagsasala
Ngunit paano babawi sa pagkakamali
Yan ang mahalaga
Patawarin mo sana sinta di ko sinasadya

Sabihin mo na kung anong gusto mo
Kahit ano'y gagawin para lamang sa'yo
Sabihin mo na
Kung papano mo mapapatawad

Sabihin mo na, sinta
Kung papano mo mapapatawad

Composição: Top Suzara