395px

Esem

Yeng Constantino

Patingin-tingin, 'di naman makabili
Patingin-tingin, hindi makapanood ng sine
Walang ibang pera kundi pamasahe
Nakayanan ko lang, pambili ng dalawang kendi

Paamoy-amoy, hindi naman makakain
Busog na sa tubig, gutom ay lilipas din
Patuloy ang laboy, walang iisipin
Kailangang magsaya, kailangang magpahangin

Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay

Gumagabi na, ako'y uuwi na
Tapos na ang saya, balik sa problema
At bukas ng umaga
Iisipin ko pa ba ang kahibangang ito?
Sa tingin ko, hindi na

Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay (aye)

Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakainip ang ganitong buhay
Nakakainis ang ganitong buhay
Nakakabaliw ang ganitong buhay
'Di nakakaaliw ang ganitong buhay
Nakakabaliw ang ganitong buhay

Composição: Dong Abay