Bubog
Matang natatakot
Luhang nakabalot
Puso'y napapagod
Isip ay umiikot
Sa imaheng nais kong matunton
Meron pa kayang hangganan?
Ngiting mapanlinlang
Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
Ang 'sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
Maging sapat, gawin man ang lahat
Kailan kita masisilayan
At kakayanang pagmasdan?
Laging gumuguhit
Sa brasong namamanhid
Tuluyang inuukit sa isip
Na mas kakayaning manatili sa dilim
Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
Ang 'sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
Maging sapat, gawin man ang lahat
Kailan kita masisilayan
At kakayanang pagmasdan?
Puro sugat at hiwa'ng aking paningin
Dulot ng bawat maling nakikita sa 'kin
Sinubukan ko mang iwasan ang salamin
Aking damdamin ay puro bubog pa rin
Dahil ayaw kong tumingin sa salamin
At mapagtantong mahirap ngang tanggapin
Ang 'sang tulad kong paulit-ulit na pinipilit
Maging sapat, gawin man ang lahat
Kailan kita masisilayan
At kakayanang pagmasdan?
Dahil ayaw kong tumingin
Ayaw ko
Pagod na 'kong tumingin
At makita ang hindi ko kayang mahalin
Cacos de Vidro
Coração tá com medo
Lágrimas embrulhadas
Coração tá cansado
A mente tá girando
Na imagem que eu quero encontrar
Ainda tem um limite?
Sorriso enganador
Porque não quero olhar no espelho
E perceber que é difícil aceitar
Alguém como eu que insiste
Em ser suficiente, fazendo de tudo
Quando vou te enxergar
E conseguir te admirar?
Sempre desenhando
No braço que tá dormente
Gravado na mente
Que é mais fácil ficar na escuridão
Porque não quero olhar no espelho
E perceber que é difícil aceitar
Alguém como eu que insiste
Em ser suficiente, fazendo de tudo
Quando vou te enxergar
E conseguir te admirar?
Só feridas e cortes na minha visão
Causados por cada erro que vejo em mim
Tentei evitar o espelho
Mas meus sentimentos ainda são só cacos de vidro
Porque não quero olhar no espelho
E perceber que é difícil aceitar
Alguém como eu que insiste
Em ser suficiente, fazendo de tudo
Quando vou te enxergar
E conseguir te admirar?
Porque não quero olhar
Não quero
Tô cansado de olhar
E ver o que não consigo amar