
Sinderela
Cup of Joe
Unti-unti nang napapagod
Sa aking puso'y humahagod
Sa paghihintay hanggang sa dulo
Ako'y nalulunod
Hindi inaasahang oras
Huminto na ang paglipas
Sa lugar na walang alaala
Nabigyan ng halaga
Ika'y aking nakita, 'kala ko namalikmata
Sa wakas, nahanap kong hinahangad ng aking puso
Ito na ang segundo, 'di ko na palilipasin
Pilit na hahabulin
Wala nang hininga, ako'y nanghihina
Pero 'di alintana
Oh, kahit ako'y matapilok
Tuloy pa rin ang pagtibok
Ng puso kong sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo, oh-oh-oh
Malapit nang mapatingin
Ika'y mapapasa'kin din
Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
Ikaw ang tanging NASA isip
Sa panaginip na malabo
Hindi na hihinto
Ika'y muling nakita, at ngayon, alam ko na
Ikaw ang laman, alam, at aalamin ng aking puso
Pawala na ang segundo, isip ay gulong-gulo
Tuloy ang pagtakbo
Wala nang hininga, ako'y nanghihina
Pero 'di alintana
Oh, kahit ako'y matapilok
Tuloy pa rin ang pagtibok
Ng puso kong sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo, oh-oh-oh
Malapit nang mapatingin
Ika'y mapapasa'kin din
Wala nang hininga, ako'y nanghihina
Pero 'di alintana
Oh, kahit ako'y matapilok
Tuloy pa rin ang pagtibok
Ng puso kong sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo, oh-oh-oh
Malapit nang mapatingin
Ika'y mapapasa'kin na
Ako'y nanghihina
Pero 'di alintana
Oh, kahit ako'y matapilok
Tuloy pa rin ang pagtibok
Ng puso kong sinisigaw pangalan mo
Huminto na at 'wag lalayo, oh-oh-oh
Malapit nang mapatingin
Ika'y mapapasa'kin din



Comentários
Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra
Faça parte dessa comunidade
Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Cup of Joe e vá além da letra da música.
Conheça o Letras AcademyConfira nosso guia de uso para deixar comentários.
Enviar para a central de dúvidas?
Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.
Fixe este conteúdo com a aula: