exibições de letras 665

Sana'y Totoo

Gagong Rapper

Letra

    Macwun:

    Sa pag dilat ng mata parang bang kinapos sa paghinga
    Parang bang bangungot ang nangyare nung ako'y nagising na nga
    Nag-alala, Kailan kaya ulit mauulit ang panaginip
    Ako'y inip, Ako'y sabik sa panaginip kailan ulit masisilip

    Ang paglubog ng araw ay laging tinatanaw
    At sa mahimbing na pagtulog hinahanap ay ikaw
    Sumisigaw, hinihiyaw ang pangalan mo sa paraiso
    Dahil ang pusong kong hati nasa`yo ang kapiraso

    Shock-Gie:

    Ang makapiling at ang labi mo akin na sanang mahagkan
    Kung totoo lahat nang `to, wag mo na sana akong iwan
    Kahit tagpuan ay sa panaginip lang ako narin sayo'y kuntento
    At pangako sayo kailan man di mag sisilbing perwisyo

    Co`z ang bisyo paligayahin ka dito sa aking piling
    Idinilat mong damdamin sana hindi na ulit mapuwing
    Pero ako'y naduduwag at baka sa pagdilat ng mata
    Banta sa puso, Pag gising ko baka wala ka na

    Buti nalang sa panaginip ay hindi ka don papanaw
    At alam kong sa ganong paraan, Ay wala sayong aagaw
    Pero sana balang araw pangarap kong ito ay matupad
    Ang hiling ko lamang sa Diyos pag ibig mo ay mahangad

    Chorus:

    Ikaw lamang sa isip, Panaginip na`to sana'y totoo
    Di makapaniwala sa panaginip nag kasama tayo
    Ikaw lamang sa isip, Panaginip na`to sana'y totoo

    Yawzi:

    Habang nakatingen sa langit wish ko na ikaw ay bumagsak
    Pano ko kaya mabibigay dosenang bulaklak?
    Dahil sa panaginip lang kita nakakasama
    Kailan kaya kita makakalampungan sa kama?

    Para bang nahibang, Ako'y biglang nailang
    Ilang tupa pa ba dapat ko pang ibilang?
    Para lang makatulog, Na sa panaginip ika'y aabangan
    Saking pag gising sana ikaw na'y nasa`king harapan

    Kailan kita mahahagkan?
    Aabot ba sa langit ang ginawa kong hagdan?
    At sana naman pag ikaw na ay aking naabot
    Sana tuloy tuloy tuloy na ang aking pag tulog

    Khoolet:

    Sumasaya ang puso pag dumating na ang gabi
    Kasali ang ngiti na makikita mo sa aking mga labi
    Sa`king pag pili hindi ako nang hihinayang
    Kahit panaginip lang ako sayo'y hindi ilang

    Ako'y nalilibang oh kailan ba ito mag kakatotoo
    Kase ako sayo ang ulo ko'y gulong-gulo
    Ngunit biglang naglaho nung naaninag na ang araw
    Ako'y nasilaw na sa pag alis hindi ka na matanaw

    Chorus:

    Ikaw lamang sa isip, Panaginip na`to sana'y totoo
    Di makapaniwala sa panaginip nag kasama tayo
    Ikaw lamang sa isip, Panaginip na`to sana'y totoo

    Kilo:

    Naalimpungatan na naman hindi alam kung nasaan
    Nakahiga sa dalampasigan, Ginuguhit ang iyong pangalan
    On the white sand, and drown by my right hand
    Thinkin` Im along with you, Loving you

    And now paligid ang pagibig at ikaw ang kabig ng dibdib
    Ninanais ko na makasama ka, Dahil sadyang mahal kita
    Subalit sa isang saglit naramdaman ko ang sakit
    At pag dilat ko nang mata ikaw ay nawaglit

    Chorus:

    Ikaw lamang sa isip, Panaginip na`to sana'y totoo
    Di makapaniwala sa panaginip nag kasama tayo
    Ikaw lamang sa isip, Panaginip na`to sana'y totoo


    Comentários

    Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra

    0 / 500

    Faça parte  dessa comunidade 

    Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Gagong Rapper e vá além da letra da música.

    Conheça o Letras Academy

    Enviar para a central de dúvidas?

    Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.

    Fixe este conteúdo com a aula:

    0 / 500

    Opções de seleção