exibições de letras 1.099

Mahal Kita, Mahal Mo Siya

Gagong Rapper

Letra

    Hindi pwedeng maging tayo yan lang ang sabi mo
    At hanggang kaybigan lang ang kayang turing mo
    Wala akong nagawa at akin na lang hinayaan
    At di na umiyak hanggang sa ako ay kaawaan
    Naghihintay sa pagdaan sa mga bulalakaw
    At hihilingin ko na sana sa kanya ka'y manakaw
    Pagkat di ko kaya na mapunta ka sa iba
    Pero bakit di ko matanggap na mas mahal mo sya
    Bakit nga ba pagibig ko di madama
    Ano na ang dapat kong gawin upang makuha ka
    Ang dala dalang regalo ay akin na lang tinago
    At naging malabo nang makita kang mayrong kasalo
    Pero di nagpatalo hanggang sa di manalo
    Sinubukan ko parin hanggang sa ikaw ay mapoo
    O uupakan ko ba sya o hahabaan ng pasensya
    Minamahal kita andyan ang ebidensya
    At kahit hindi mo pa rin ako makita
    Sana mahalata ang aking malubhang eksena
    Nasasaktan ako kapag ang kayakap mo'y hindi ako
    Laman at puso at isipan ay sana ay maging ako

    Chorus..
    Mahal kita pero mahal mo sya
    Kahit nga ba gusto kita alam kong sya ang yong kaylangan
    Mahal kita pero mahal mo sya
    Kahit nga ba gusto kita kaylangan ba kitang iwasan?

    Ano ba to biglang ang mundo ko ay gumulo
    Nung malaman kong minamahal mo nga ay di ako
    Halos ako ay mabaliw pagkat di ko akalain hanggang ngayon sya pa rin laman ng yong damdamin
    Di ko kayang tiisin ako'y naninibugho
    Na para bang tibok ng puso gusto kong ihinto
    Sa tinagal ng panahon ako ay nagbulag bulagan
    Ngayon ko lang nakitang di ako ang yong kaylangan
    At ayoko nang ipagpatuloy pa ito ako na ngang magpaparaya kung sya nga ang gusto mo
    At ikaw at ako tayo'y isang ilusyon
    Na pinangarap ko noong magkaroon ng relasyon

    Pagtingin ko sayo ay di magiiba
    Kahit sinabi mo sa akin mahal mo'y iba
    Ako'y patuloy na maghihintay sa iyong pagibig
    Kahit na ba alam ko na ito'y mapanganib
    Wala akong magagawa dahil ikaw ang gusto
    Tamang tama ka para sa akin ikaw ay husto
    Ito ang ginawa ng tadhana di ko to ginusto
    Talagang kaylangan harapin ang mga tukso uhh...
    Ikaw ang nasa panaginip(panaginip)
    Tumatakbo sa aking isip
    Nagtatanong ako kung bakit(kung bakit)
    Sa iba ka pa kumapit(kapit)

    Repeat chorus...

    Bakit ang katulad ko sayo ay nabighani
    Kung meron na sa puso mo'y nagmamayari
    Kunwari di na kita may kasama kang iba
    Ano meron sa kanya na sa akin di nakita
    Mahirap man itong harapin at tanggapin
    Nagbabakasakaling na ikaw ay maangkin
    Na balang araw ang katulad ko ay mapansin
    Sana matupad ang hiling na ikaw ay maangkin
    Ngunit hanggang pangarap na lang ba
    Na mahagkan ka at makasama ka
    Ano ba ang aking magagawa kung minamahal mo naman ay iba
    Noong una kitang nakita ako'y naadik sa iyo
    Mga larawan mo ang tinitingnan ko
    Sa aking talaarawan ikaw ang nakalarawan
    At ikaw ang nilalaman na gusto kong pakasalan
    Pero lahat nagiba ng malaman ko ibang lalaki
    Pala ang minamahal mo
    Kirot at sakit sa puso ko'y dumampi
    At sana wag kang makaranas ng ganito kahapdi
    Dahil ng mahal kita pero mahal mo sya
    At iyong inaasam ay makasama sya
    Siguro nga di tayo para sa isat isa
    Pero sa puso ko mukha mo ang nakahulma

    Repeat chorus 2x


    Comentários

    Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra

    0 / 500

    Faça parte  dessa comunidade 

    Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Gagong Rapper e vá além da letra da música.

    Conheça o Letras Academy

    Enviar para a central de dúvidas?

    Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.

    Fixe este conteúdo com a aula:

    0 / 500

    Opções de seleção