PAALAM
Kulang ang salita
Upang muling magsimula
Kulang ang dating himig
Upang buhaying muli
Ang ating pag-ibig
Sugat ay di maghihilom
Sa sandaa't 'sang taon
At ang hapdi'y singsariwa
Naghihilab maya'tmaya
Kulang ang karanasan
Upang ang buhay maintindihan
Kulang ang buong mundo
Upang alamin
Ang mga lihim ng puso
Kulang ang ating talino,
Tapang, galing at tiyaga
Upang gawing muling bago
Ang nabahirang sumpa
Kulang ang panahon
Sa isa pang pagkakataon
Paalam aking sinta
Huling paalam na dapat sana
Noon pa
ADEUS
Faltam palavras
Para recomeçar
Falta a melodia
Para reviver
O nosso amor
A ferida não vai cicatrizar
Em cem anos e um dia
E a dor é tão fresca
Latejando a toda hora
Falta a experiência
Para entender a vida
Falta o mundo inteiro
Para descobrir
Os segredos do coração
Faltam nossa inteligência,
Coragem, talento e paciência
Para transformar de novo
A maldição que nos atingiu
Falta tempo
Para mais uma chance
Adeus, meu amor
A última despedida que deveria
Ter acontecido antes