PUHUNAN
Sa pamilihan ng lipunan, sarisarin'g paninda
May kanikaniyang puhunan: pera, utak at ganda
Ang ilan ay may pangalan, ang iba ay laway lang
May nagbabanalbanalan at mga manlilinlang
May namumuhunang pawis at hubad na katawan
Kahit pagod nila'y labis, sila'y hanggang doon na lang
Mas maigi ang may bahay at lupang paupahan
Kahit di maghanapbuhay, laging may laman ang tiyan
Ang negosyong magaling ay magbenta ng patay
Ngayo'y napakadaling humagilap ng bangkay
Dumating na sa sukdulan, buhay na'ng binubuwis
Inuutang sa pangalan ng ganansya't interes
Kung ang dulot ng sistema'y malaganap na lagim
Sa paggamit ng puhuna'y huwag nawa tayong sakim
Sa damdamin ng abang kagaya kong isang mortal
Ang dugo'y mas matimbang kaysa kapital
Napuna kong di maaring magkameron ang wala
Kung kaya ko minangyaring mangalakal ng bahagya
Upang matiyak ang tagumpay, naglakasloob akong
Sa maginoong sanay kumunsulta't magtanong
Nais ko sanang matutuna't nang gayo'y magaya ko
Paano kang namumuhunan, ba't ang yamanyaman mo
At ang agilang anghel ay nagladlad na ng anyo
Ang wika ni Tiyo Samuel: Ang puhunan ko'y kayo!
INVESTIMENTO
No mercado da sociedade, uma variedade de produtos
Cada um com seu investimento: dinheiro, mente e beleza
Alguns têm nome, outros só têm conversa fiada
Tem quem se faz de santo e os enganadores
Tem quem investe suor e corpo nu
Mesmo que a fadiga seja intensa, eles vão até onde dá
Melhor ter casa e terreno pra alugar
Mesmo sem trabalhar, sempre tem comida na mesa
O negócio esperto é vender o que já morreu
Hoje em dia é fácil achar um cadáver
Chegou ao extremo, a vida sendo cobrada
Emprestado em nome do lucro e do juro
Se o que o sistema traz é um sofrimento sem fim
Ao usar o investimento, que não sejamos gananciosos
Na dor do pobre como eu, um mortal comum
O sangue pesa mais que o capital
Percebi que não dá pra ter o que não se tem
Por isso, às vezes, me arrisco a negociar um pouco
Pra garantir o sucesso, tive coragem de
Consultar e perguntar a quem sabe
Quero aprender pra poder imitar
Como você investe, por que você é tão rico
E o anjo águia já mostrou sua verdadeira forma
A fala do Tio Samuel: Meu investimento é vocês!