exibições de letras 346

Musikero

Jimmy Bondoc

Letra

    musikero
    sa buhay na mabilis
    sa pamamagitan ng gitara
    ang buhay pinatatamis
    sa dami ng pangako
    ng iba't ibang tao
    salapi at trabaho
    isa lang ang aking iniibig
    na ang boses at mga awitin ko'y inyong marinig

    musikero
    sa buhay na masikip
    sa pamamagitan ng awitin
    lumalaya ang aking isip
    sa langit na makulay
    maluwang, malumanay
    at walang nakahanay
    isa lang ang aking nakikita
    na tulad ng ulap
    ang tao'y sinilang ng malaya

    mahirap mang aminin
    ito lang ang kaya kong maging
    hindi ako ganun kabait upang magpari
    kailangan din naman ng kaunting pag-aari
    ngunit kailanman ay hinfi ko pinangarap ang maging hari

    musikero
    sa nagbabagong mundo
    sa pamamagitan ng tunog
    mga ligaw na puso ay sinusundo
    sa dami ng nahihilo
    sa gulo ng tsubibo
    ng mundong nagbabago
    isa lang ang sa 'ki'y maliwanag
    na sa dulo ng araw ay may awit na tumatawag

    mahirap mang aminin
    ito lang ang kaya kong maging
    hindi ako ganun kabait upang magpari
    kailangan din naman ng kaunting pag-aari
    ngunit kailanman ay hinfi ko pinangarap ang maging hari

    musikero
    sa buhay na mabilis
    sa pamamagitan ng awitin
    mga buhay pinatatamis
    sa dami ng nahihilo
    sa gulo ng tsubibo
    ng mundong nagbabago
    isa lang ang sa 'ki'y maliwanag
    na sa dulo ng araw ay may awit na tumatawag

    na sa dulo ng araw ay may langit
    na tumatawag


    Comentários

    Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra

    0 / 500

    Faça parte  dessa comunidade 

    Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Jimmy Bondoc e vá além da letra da música.

    Conheça o Letras Academy

    Enviar para a central de dúvidas?

    Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.

    Fixe este conteúdo com a aula:

    0 / 500

    Opções de seleção