
Hindi Kita Ipagpapalit
Rey Valera
Ikaw ay lalayo upang mangibang-bayan
Mayro'n kang pangarap, kita'y pinagbigyan
Mag-iingat ka na lang, sulat ka na lang
May magagawa pa ba ako?
Batid kong 'di mo nais tayong magkalayo
Nais mong umahon sating kinalagyan
Sisisihin ba kita, pipigilin ba kita?
Ngunit kung ako ang diringgin
'Di kita 'pagpapalit, sa dolyar man o color TV
'Di kita 'pagpapalit sa anumang karangyaan
'Pagkat 'di mababayaran ang mga sandali
Kapiling ka
'Di kita 'pagpapalit, sa dolyar man o color TV
'Di kita 'pagpapalit sa anumang karangyaan
May magagawa pa tayo, kahit anong paraan
Basta't ikaw ang kailangan ng ating tahanan
Napakaiksi ng buhay na ito
Bakit uubusin nang malayo pa sa 'yo?
Dapat ba na manaig ang yaman sa mundo
Kung kapalit naman ay buhay ko?
'Di kita 'pagpapalit, sa dolyar man o color TV
'Di kita 'pagpapalit sa anumang karangyaan
'Pagkat 'di mababayaran ang mga sandali
Kapiling ka
'Di kita 'pagpapalit, sa dolyar man o color TV
'Di kita 'pagpapalit sa anumang karangyaan
May magagawa pa tayo, kahit anong paraan
Basta't ikaw ang kailangan ng ating tahanan



Comentários
Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra
Faça parte dessa comunidade
Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Rey Valera e vá além da letra da música.
Conheça o Letras AcademyConfira nosso guia de uso para deixar comentários.
Enviar para a central de dúvidas?
Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.
Fixe este conteúdo com a aula: