Kung Alam Mo Lang
Zsaris
dati sana gaya ng dati
noon palagi at parating
alam ang iniisip mo
alala, lagi kang naaalala
lalo na ngayong wala ka
ikaw ang iniisip ko
maibabalik pa ba
and dating ganito?
ikaw lang makapagpapawi
sa tuwing tiwala'y nababali ng takot ko
kailan muling maririnig sa'yo?
ang mga salitang halos wala na
kung makikinig ka pa nga ba
paano na 'to?
kung alam mo lang
ako'y naghihintay sa'yo
marahil pagsubok lang ito, marahil
nasasaktan ako dahil
sino ba 'ko sa buhay mo?
kaibigan, isa lang akong kaibigan
na kailangan mo nang iwan
para 'di na magulo
pero kakayanin ba
na malayo sa'yo?
ikaw lang makapagpapawi
sa tuwing tiwala'y nababali ng takot ko
kailan muling maririnig sa'yo
ang mga salitang halos wala na
kung makikinig ka pa nga ba
paano na 'to?
kung alam mo lang
ako'y naghihintay sa'yo
kung mag-iiba man ang takbo ng panahon
at magkikita na parang noon
magbabago kaya ang isip mo?
na ang pipiliin mo na ay ako
ikaw lang makapagpapawi
sa tuwing tiwala'y nababali ng takot ko
'di na muling maririnig sa'yo
ang mga salitang ngayo'y wala na
kung makikinig ka pa rin ba
paano na 'to?
kung alam mo lang
ako'y naghihintay sa'yo
naghihintay pa rin sa'yo
kung alam mo lang



Comentários
Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra
Faça parte dessa comunidade
Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Zsaris e vá além da letra da música.
Conheça o Letras AcademyConfira nosso guia de uso para deixar comentários.
Enviar para a central de dúvidas?
Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.
Fixe este conteúdo com a aula: