exibições de letras 93
Letra

    Nagring ang telepono alas kwatro ng umaga
    Ang sabi ko 'hello, sino ito?'
    Di ka nagsalita
    Tinanong ko 'henny, ikaw ba yan?'
    Sumagot ka 'oo'
    Ikaw ay umiiyak
    Di ako kumibo

    Matagal tayong tahimik
    Tapos bigla kang umimik
    Iyong ikinuwento na nanggaling ka sa clinic
    Tinanong kita kung bakit at sinabi mong meron tayong problema
    Dahil sa pregnancy test mo kay doktora
    Ikaw ay pumasa

    Wala akong nasabi
    Ay teka muna meron pala
    Naitanong ko sa iyo kung sigurado ka ba talaga
    Sigurado ka ba na ako
    Sagot mo sa akin 'oo gago'
    Di ko alam ang gagawin
    Hindi ko alam so bigla kong hi-nang
    Kunwari bigla na lang naputol

    Masyado pang maaga
    Baka hindi ko kaya
    Di ko alam ang gagawin
    Hindi ko alam
    Hindi ko alam

    Sinagot ko ang telepono alas singko ng umaga
    Ang sabi ko 'oh, ba't mo binaba?'
    Di ka nagsalita
    Tinanong ko 'so ano ngayon ang plano mo?'
    Sumagot ka 'ikaw?'
    Sumagot ako 'ako? bakit ako? ikaw'
    Sumagot ka 'bakit ako lang?'

    Bigla kong natauhan
    Pareho tayong may kasalanan
    Imbes na makipag-away
    Lumunok ako ng konting laway
    Eto ang ating gagawin
    Pag-iigihan natin
    Isipin natin ang kailangan
    Ano kaya ang magandang pangalan


    Comentários

    Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra

    0 / 500

    Faça parte  dessa comunidade 

    Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Parokya Ni Edgar e vá além da letra da música.

    Conheça o Letras Academy

    Enviar para a central de dúvidas?

    Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.

    Fixe este conteúdo com a aula:

    0 / 500

    Opções de seleção