Gising na

gising na
buksan ang iyong umaga gising na
halina at silipin ang pagdilat ng umaga
tahimik at saksakan ng ganda

gising na
nandiyan na ang umaga gising na
nais kong makita ang ngiti sa iyong mukha
at pungay ng iyong mga mata

kanina pa kita pinagmamasdan
kaninia pa kita tahimik na binabantayan
hindi gumagalaw, hanggang wala ang araw
sadiyang nakatanga, nakatitig lang sa iyong mukha

gising na nandiyan na ang umaga gising na
mayron sana akong gustong sabihin sa iyo
na di mapaliwanag ng husto

gising na nandiyan na ang umaga gising na
hindi ko maintindihan ba't di mapantayan
ang kasiyahan na nadarama
tuwing nandiyan ka

*nakakainis isipin na di ko alam ang gagawin
ngunit walang magagawa di pa kayang aminin
ang pagkakataon ay dapat pang palampasin
di na lng kita gigisingin...

Enviar Tradução Adicionar à playlist Tamanho Cifra Imprimir Corrigir