
Apat
Zild
Tanggap ko na tayong lahat ay magwawatak
May oras ang tampo, luha, at pagkagalak
Nagsimulang nangangapa nang nakayapak
Magkakasamang hinarap ang mga lubak
Huwag matakot magkamali
Lahat ay nagsisisi
Damdamin ang sandali
Namnamin mga saglit
Lilipad sa hangin
'Di na iisipin
Kakalimutan natin
Ang mga hinanakit
Parang kahapon lang no'ng tayo'y magkasama
'Di namalayan tayong apat ay tumatanda
Ngunit ngayon tatanggapin na tayo ay magkakaiba
Alaala nga na lang kung sino ang mabaho ang paa
Katotohanan na mapait
Lilingon nang may hapdi
Lilipad sa hangin
'Di na iisipin
Kakalimutan natin
Ang mga hinanakit
Walang mga pangalan
Ngayong kasalukuyan
Ito ang kapalaran
Nating magkakapatid
Nakakapagtaka
(Nakakapagtaka) Nakakasawa
(Nakakapagtaka) Nakakasawa na
(Nakakapagtaka) Pigang piga na
(Nakakapagtaka) Pigang piga na ako
(Nakakapagtaka) Dere-deretso
Deretso
Lilipad sa hangin
'Di na babawiin
Retrato'y iipunin
Hanggang sa mailibing
Lahat ay may hangganan
Sa pagkakaibigan
Dapat matutunan
May wakas ang sandali
Nakaraang ikukubli



Comentários
Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra
Faça parte dessa comunidade
Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Zild e vá além da letra da música.
Conheça o Letras AcademyConfira nosso guia de uso para deixar comentários.
Enviar para a central de dúvidas?
Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.
Fixe este conteúdo com a aula: