Awit Sa Ina Ng Sto. Rosario

Jamie Rivera

Minsan ang buhay ay isang awit ng galak
At mayroong liwanag na tatanglaw sa ating pagyapak
Minsan ang buhay ay isang awit ng luha
At siyang papawi nito ay ang pag-asa ng umaga

At kahit anong tindi ng unos, at kahit anong tindi ng dilim
May isang Inang nagmamatyag, nagmamahal sa'tin
Awit niya'y pag-ibig ng Diyos, tawag niya'y magbalik-loob
Turo nya'y buhay na ang Diyos lamang sa ati'y nagkaloob

O Inang Mahal narito kami't awit-awit ang Ave Maria
At dalangin ng bawat pamilya'y kapayapaa't pagkakaisa
Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal

O Inang Mahal narito kami't awit-awit ang Ave Maria
Sa anak mong si Hesus, puso namin ay ihahandog
Ang rosaryo mong hawak namin at awit-awit ang Ave Maria
Puspos ka ng diwang banal, dinggin ang aming payak na dasal
Ihatid mo kami sa langit ng Amang mapagmahal


Comentários

Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra

0 / 500

Faça parte  dessa comunidade 

Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Jamie Rivera e vá além da letra da música.

Conheça o Letras Academy

Enviar para a central de dúvidas?

Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.

Fixe este conteúdo com a aula:

0 / 500

Opções de seleção