
Mahal Pa Rin Kita
Sharon Cuneta
'Di ko man maamin sa aking puso
'Di na nararapat ngunit bakit ganito
Hanggang ngayo'y nasasaisip ikaw lamang
Kahit na nga mahabang panahon na'ng nagdaan
Ako ba'y nagsisisi't hinayaang mawala
Nalimutan ko na bang ako'y 'yong pinaluha
Ikaw kaya'y gano'n din at minsa'y dumaraan
Sa isip mo'ng tamis ng dating pagmamahalan
'Di na maaring magbalik ating nakaraan
'Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay 'di maamin sa puso't damdamin
Ikaw pa rin, mahal pa rin kita
Minsan sa 'king pagtulog, panaginip ka (panaginip ka)
Ang puso ko'y hindi pa rin mapahinga (mapahinga)
Akala mo'y wala na, o, kung alam mo sana
Hindi pa rin nagbabago (hindi pa rin nagbabago)
Pag-ibig ko sa 'yo
'Di na maaring magbalik ating nakaraan
'Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay 'di maamin sa puso't damdamin
Ikaw pa rin (ikaw pa rin), mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita, ah, ah
Saan man ako maparoon
Dumaan man ang ilang panahon
Ikaw pa rin ang alaala
Alam mo ba? (Ikaw pa rin)
Alam mo ba?
'Di na maaring magbalik ating nakaraan
'Di ko na nais pang madamang ako'y iyong saktan
Ngunit pilit mang limutin ay 'di maamin sa aking damdamin
Ikaw pa rin (ikaw pa rin)
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita
Mahal pa rin kita (ikaw pa rin, ikaw pa rin)
Mahal pa rin kita




Comentários
Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra
Faça parte dessa comunidade
Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Sharon Cuneta e vá além da letra da música.
Conheça o Letras AcademyConfira nosso guia de uso para deixar comentários.
Enviar para a central de dúvidas?
Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.
Fixe este conteúdo com a aula: